Belt Collins

Viewing this content requires the Adobe Flash 8 (or greater) Player.

Please click the image below to download the latest version of the Adobe Flash Player.

Get Adobe Flash player

Belt Collins

Belt Collins Profile (Filipino)

Pambungad (Introduction)

Mimosa Golf & Country Club, Clarkfield, PhilippinesAng Belt Collins ay isang pandaigdig na kompanya para sa konsultasyon tungo sa pagpaplano at disenyo na nakatutok sa pagbibigay ng halaga sa mga propyedad ng kliyente at pagtataguyod ng sustenableng kaunlaran. Ito ay binubuo ng mahigit sa 500 mga iba't ibang propesyonal at mga kawani na nagsanay mula sa sampung tanggapan sa walong mga bansa at teritoryo. Ang Belt Collins ay nabibilang sa mga nangungunang 200 na mga pandaigdig na kompanya ng disenyo at kabilang rin sa nangungunang 500 na kumpanya ng disenyo sa Estados Unidos, ayon sa Engineering News-Record. Magmula ng pagkakatatag noong 1953, ang Belt Collins ay nakapagtapos na ng mahigit sa 16,000 mga proyekto sa 70 bansa sa buong mundo, at nakatanggap na ng mahigit sa 350 parangal at papuri para sa aming mga proyekto, pagsasanay, at mga kawani.

Mga Serbisyo (Services)

Para maka-angkop sa mga nagbabagong pangangailangan ng kliyente sa anumang panahon, ang Belt Collins ay nagdagdag ng mga serbisyo upang pag-ibayuhin pa ang kanyang kasanayan sa paginhinyero at pagpaplano. Simula sa pagdaragdag ng Pang-kalupaang Arkitektura noong 1960, patuloy naming pinalawak ang aming mga serbisyo - mula sa pagdagdag ng pang-kapaligirang konsultasyon noong 1993, sa GIS, sa pag-aanalisa ng mga resultang pang sosyo-ekonomiko at sa disenyong pang komunikasyon nang mga nakaraang taon. Ang malawak na hanay ng mga sama-samang disiplina ang nagbibigay-daan sa kompanya para makapagbigay ng kadalubhasaan sa kabuuan ng isang proyekto, kaakibat ng naipon na karanasan at karunungan at patuloy na pag-aaral sa mga proyekto.

Merkado (Markets)
Serbisyo (Services)
Rehiyon (Regions)
Sibiko/Komunidad
Komersyal/
  Pang Kalakal
Pang-Edukasyon
  na Pasilidad
Pamahalaan
Hotel/Bakasyunan
Imprastraktura
Liwasan/Daanan/
  Malalawak na Lugar
Lugar na pang Libangan
Pamahayan
Transportasyon
Panukalang pang Lunsod
Inhinyeriang pang Sibil
Konsultasyon sa Kapaligiran
Pang-Kalupaang
  Arkitektura
Pagpaplano
Lagusan ng Tubig Ulan/
  Pagkontrol ng Baha
Kayamanang Tubig

 

Asya
Australya/Timog
  Pasipiko
Europa/Aprika
Hawaii/Pasipiko
Gitnang Silangan
Hilaga/Timog
  Estados Unidos

 

Mga Kawani (Staff)

Mayroong kaming higit sa 20 LEED Accredited Professionals sa aming mga tanggapan sa Estados Unidos at sa iba't ibang bansa. Ang aming pinagsamang mga kawani ng mga inhinyero, mga nagpaplano, mga arkitektong pangkalupaan, at mga dalubhasa sa agham na pang-kapaligiran ay aktibong nakikipag-ugnayan sa mga kliyente upang lumikha ng mga lugar na makabago, natatangi, kaaya-aya at kagila-gilalas habang pinaghuhusay, kinakalinga at pinapanatili nito ang mga karatig na kapaligiran. Sa Belt Collins, aming naiintindihan at iginagalang ang kapaligiran na kung saan tayo ay namumuhay, nagtatrabaho at naglilibang.

Ang aming portpolyo na kumakatawan sa mga panukalang gawa mula sa bawat isa sa aming mga tanggapan ay maaaring makita sa Portfolio section ng website na ito. Kung nangangailangan kayo ng mga karagdagang kaalaman sa partikular na tanggapan ng Belt Collins, mangyaring bisitahin lamang ang aming pahina ukol sa Locations. Maaari ring sumulat sa aming online Contact form at kami ay makikipag-ugnayan sa inyo sa lalong madaling panahon. Ang aming Employment postings ay madalas na ina-update, kaya't mangyaring dalawing madalas ang aming website.

Salamat po sa inyong pagsasaalang-alang sa Belt Collins para sa pagbuo ng inyong mga hinaharap na panukala , pag-aaral at pag-uulat.